TIGIL-PUTUKAN | CPP, magdedeklara rin ng ceasefire

Manila, Philippines – Magdedeklara rin ng Unilateral Ceasefire ang Communist Party of the Philippines bilang paggunita sa panahon ng Kapaskuhan.

Bukod sa pagdiriwang ng Pasko, sabi ni CPP Founder Jose Maria Sison – ilalabas ang nasabing kautusan para na rin sa pagdiriwang nila ng kanilang 49th Founding Anniversary sa December 26.

Sa ngayon aniya ay pinoproseso na ng Central Committee ng CPP ang draft nito.


Matatandaang una nang nagpatupad si Pangulong Rodrigo Duterte ng Unilateral Ceasefire sa mga rebelde mula alas-6:00 ng gabi ng December 23 hanggang alas-6:00 ng gabi ng December 26.

Samantala, nagbalik loob sa pamahalaan ang mahigit 700 dating rebeldeng komunista mula sa ibat-ibang bahagi ng eastern Mindanao.

Sabi ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Emmanuel Garcia, ang mga ito ay galing sa Agusan, Bukidnon, Surigao, Davao, Cotabato At Sarangani na sumuko sa pamahalaan mula Enero 1 hanggang December 15 ngayong taon.

Kasamang isinuko ng mga rebelde ang 265 high and low-powered firearms kung saan tumanggap sila ng 12,000 hanggang 210,000 pesos depende sa klase ng isinukong armas.

Facebook Comments