Manila, Philippines – Nakatakda ring magdeklara ng ceasefire sa mga susunod na araw ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army- National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Kasunod na rin ito ng tigil-putukan ngayon kapaskuhan na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay NDFP consultant Felix Randy Malayao – sa kabila nang pagdeklara ni Pangulong Duterte sa komunistang grupo bilang terrorist organizations, tradisyon na nila ang magpatupad ng ceasefire tuwing pagsapit ng Pasko dahil kinukonsidera rin aniya nila ito bilang “Most Holy Season.”
Itinuturing naman ng grupo na isang “positive gesture” ang hakbang ng Pangulo sa pagdeklara ng suspension of military operations laban sa mga rebelde.
Facebook Comments