TIGIL-PUTUKAN | NPA, lumabag sa ceasefire – AFP

Manila, Philippines – Inakusahan ng Armed Forces of the Philippines ng paglabag sa idineklara nitong ceasefire.

Sa isang press statement, kinondena ng AFP ang pag-atake ng NPA sa kampo ng militar sa Compostela Valley noong Pasko.

Bukod dito anila, tinangka ring dukutin ng mga rebelde ang isang miyembro ng CAFGU.


Matatandaang parehong nagdeklara ng unilateral ceasefire ang gobyerno at Communist Party of the Philippines.

Ayon naman kay AFP Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo, susunod pa rin ang AFP sa ceasefire at mananatiling alerto laban sa pag-atake ng NPA.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Pangulong Rodrigo Duterte ukol dito.

Facebook Comments