Manila, Philippines – Kasunod ng pinakahuling kontrobersiya na kinahaharap ng blogger na si Drew Olivar, kung saan nagpost ito sa kaniyang social media account ng pagkabahala sa di umano’y bomb threat sa EDSA noong pag gunita sa deklarasyon ng Martial Law.
Sinabi ngayon NCRPO Chief Dir Gen Guillermo Eleazar na iwasan o tigilan ang pag po-post sa social media ng mga hindi berepikadong impormasyon.
Ito ayon kay Eleazar ay dahil kahit pa mabuti ang intensyon sa pagpo-post sa social media kaugnay sa mga ganitong usapin, ay maaari pa rin itong magdulot ng alarma at panic sa publiko.
Sa halip kasi aniya na makatulong, ay maaari pa itong makasama.
Giit ni Eleazar, dapat munang idulog sa mga awtoridad ang mga ganitong impormasyon upang kumpirmahin, kaysa unahin ang pagpo- post sa social media.
Kaugnay nito, plano ng NCRPO na magsampa ng kaukulang kaso sa naturang blogger.