Viral ngayon sa internet ang bagong hitsura ng Baclaran matapos ang clearing operations sa pangunguna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ilang opisyales mula sa lokal na pamahalaan ng Parañaque at Pasay.
Sa mga litratong nakalap ni Gadget Addict, kapansin-pansing hindi na puno ng mga sidewalk vendors ang paligid ng Redemptorist Road kung saan matatagpuan ang National Shrine of Our Mother of Perpetual Help.
Pati ang kahabaan ng Roxas Boulevard at ilang pangunahing kalsada sa Baclaran, malinis at mas maluwag na din.
Aniya, sa nakalipas na dalawang buwan nililinis ng MMDA ang Baclaran. Mabuti na lamang at tumulong na rin ang lokal na pamahalaan para mapanatiling maayos ang naturang lugar.
“And even before that, they had regular operations going back for over a year. The only support they had is from the PNP for security,” pahayag nito.
Samantala, puwede nang daanan ng maayos ng mga motorista ang kalsada sa ilalim ng LRT Baclaran Station. Magugunitang hindi makapasok ang mga drayber sa nasabing kalye dahil okupado ng mga nagtitinda.
ALSO!!! Baclaran has never looked this proper!! ugh i have mixed feelings about this but it’s so convenient to walk here now 😭 (also u can see the far end????? for??? the first time) pic.twitter.com/hD6WuZlicS
— em @ 🚀 (@KINGBEBOP) July 29, 2019
Current situation at Baclaran. Used to be full of streets vendor. pic.twitter.com/6a35BUo0Gc
— PerfectJustice (@PrfctJstcePH) July 26, 2019
Pagtitiyak nina Parañaque City Mayor Edwin Olivarez at Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, mananatiling malinis at mapayapa ang mga kinasasakupang lugar.
Dagdag pa ng dalawang alkalde, magkakaroon ng ligal na puwesto ang mga apektadong tindero at tindera.