Tumaas ang kilay ng mga netizens sa kumakalat na litrato ng isang pamilya na nakasakay sa motor at walang suot na helmet ang supling.
Ang larawan ay makikita sa Facebook page ng Huwag magpa-API at may caption na: “Minsan pinapakita talaga ng mga ibang tao na hindi sila nag-iisip, nadadamay pa yung anak nila.”
Sa pag-aaral ng World Health Organization noong 2016, tinatayang 5,970 ang naaaksidente o namamatay dahil sa pagsakay ng motorsiklo at 90% sa kanila walang suot na helmet. Kaya naman galit na galit ang ilang netizens sa kasama ng bata.
Basahin ang ilan sa mga komento:
“Kahit pa sabihin na natin na hindi nya anak yan, kung nasa tamang pag iisip ka hinding hindi mo yan gagawin.”
“Hindi pa nanay mag isip. Sabi nga mas madali magkaanak, pero hindi lahat kayang maging ina.”
“You can sell your brain on ebay.”
Hanggang ngayon, tinutukoy pa din kung sino ang mga nasa litrato.