TIGNAN: ‘Bayongciaga’, bayong inspired Balenciaga

via Bayongciaga

Mula sa pagiging party host ng isang sikat na fastfood restaurant, naging social entrepreneur si Javi Villaruel at founder ng pinoy-brand na Bayongciaga—  Bayong na Balenciaga.

Nag-umpisa siya bilang Local Store Marketing (LSM) sa Mcdonalds kung saan ang trabaho niya ay mag-host ng birthday parties noong college student palang siya.

Bilang LSM representative, trabaho niyang mag-entertain ng mga tao sa mga birthday party at nag-umpisa niyang buuin ang Bayongciaga.


Ang Bayongciaga, ay gawa ng mga nanghahabi sa Laguna habang local artists naman ang nagpipinta. Bukod sa gawang pinoy, nakakapagbigay rin ito ng hanapbuhay sa iba pang Pilipino.

Samantala, ang Balenciaga naman ay isang high-end brand ng sapatos, bags at damit.

Matatandaan ding pinauso ni Sandara Park, half-pinoy at half-korean na kabilang sa kpop girl group na 2ne1, ang bayong na galing ng Divisoria kung saan ay kaparehong-kapareho ng bag sa Balenciaga noong 2017.

Mabibili naman ang Bayongciaga sa halagang P600 sa mga online store sa bansa.

Facebook Comments