Sa selebrasyon ng ika-90 na kaarawan ni Imelda Marcos, pinag-uusapan ngayon ng netizens ang kaniyang birthday cakes tampok ang mga imprastruktura na ginawa noong rehimeng Marcos.
Mayroon siyang cake na Quiapo Golden Mosque, Cultural Center of the Philippines, Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute at Philippine Heart Center.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen. Karamihan ay binati siya sa kaniyang kaarawan at pinasalamatan sa mga pintayong imprastruktura. Ang iba naman ay sinabing pera ito ng bayan.
Si Imelda Marcos ay naging first lady ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos. Kamakailan lamang ay dumalo sa oath taking ang mga kandidatong nanalo sa ilalim ng endorso ni Pangulong Duterte at naimbitahan ang pamilya Marcos sa Malacañang.
Nakilala rin si Imelda Marcos sa kaniyang bags and shoes collection. Samantala, pinayagan naman ni Duterte ang auction sa mga alahas ni Imelda na aabot sa halagang P700 milyon.