Dinarayo ngayon sa bayan ng Taal, Batangas ang imahen ng Poong Nazareno sa pader dahil di umano’y nagpapagaling ito.
Sa mga larawang ibinahagi ni Mike Salgado, nakaukit sa pader na gawa sa hollowblock ang mukha daw ng Poong Nazareno. Makikita din naglagay ang mga deboto ng panyo ni Black Nazarene at tirikan ng kandila sa tabi.
Ayon kay Salgado, nagsimula ito mapansin ng mga residente noong Mayo at malipas ang ilan araw, dinadasalan nila gabi-gabi ang milagrosong imahen.
Dagdag pa nito, sinabi ng mga naninirahan doon na ito ay naghihimala dahil maraming gumaling sa mga iniindang karamdaman.
Karamihan ng mga nagpupunta sa lugar, inaming nawala ang pananakit ng kanilang mga katawan tuwing tinitignan o hinihimas ang imahen.
Salaysay pa ng mga residente, mas masisilayan ang mukha ng Poong Nazareno tuwing gabi.