Tampok ngayon ang larawan kung saan ibinahagi ni Stefen Olsen, isang scientist sa Danish Meteorological Institute, kung saan ang mga sled dog ay naglalakad umano sa tubig.
Dahilan nito ay ang pagtunaw ng yelo sa Greenland, pangalawa sa pinakamalaking lugar na yelo sa buong mundo, na ‘melting season’ ngayong Hunyo hanggang Agosto.
Kuha ang larawan nitong Hunyo 13, na agad umani ng reaksyon mula sa mga netizen.
May mga pag-aaral na natutunaw na nga ang yelo sa Greenland, tinatayang pinakamababa na global sea level nito sa loob ng dalawang dekada.
Sa isang panayam ng CNN kay Thomas Mote, isang research scientist sa University of Georgia, pinag-aaralan niya ang klima ng Greenland at sinabing ngayon lang nila nakita ang ganitong pangyayari simula noong 1990s.
Ang patuloy na pagkatunaw ng yelo ay sanhi ng mainit na temperatura na lalong nagpapataas ng sea level at nahihinto lamang kapag tag-lamig na.