TIGNAN: Libreng mangga sa Salcedo, Ilocos Sur

Image via Emmylou Arruejo Jomero

Namimigay ng libreng mangga ang mga residente ng Salcedo, Ilocos Sur dahil labis ang produksyon ng prutas sa lugar.

Sa panayam ng DWRS Commando Radio Global kay Emmylou Arruejo Jomero, halos lahat ng puno doon, maraming bunga ng mangga. Imbes na mabulok at hindi mapakinabangan, isinisabit nila ito sa labas ng kanilang bahay at puwedeng kunin ng kahit sino.

Dagdag pa ni Jomero, mamamahagi ulit sila sa susunod na linggo.

Samantala, ang bentahan ng mangga sa palengke ng nasabing bayan ay sampung piso kada kilo.

Facebook Comments