Ayon kay Kevin Siy, malaking parte ng kanyang pagkabata ang Manila Zoo lalo na paborito itong puntahan ng sinumang pamilya tuwing Sabado at Linggo.
“Likewise, I’ve shared a couple of great memories with my family in the park. It was a happy place for most Filipinos and seeing it fade through time urged me to make it as my thesis project,” pahayag ni Siy.
Kuwento ng binata, ito ang pinili niyang topic dahil likas siyang mapagmahal sa mga hayop at true-blooded Manileño. Isang taon ang ginugol ng 23-year-old student para mabuo at matapos ang thesis project kaugnay sa muling pagpapaganda at pagpaayos sa nasabing zoo.
“My goal was to design Manila Zoo to make it not just a prime tourist destination and center for education, but at the same time to make it the best environment for the animals; a place that they can experience the great comfort they feel in their natural habitat,” dagdag pa nito.
Naging daan ang mga litrato ng proposed designs na kanyang pinost sa Facebook para mapansin ni Moreno ang adhikain nito sa Manila Zoo.
Taos-pusong pinasalamatan ni Siy ang lokal na pamahalaan sa ibinigay na pagkakataon at oportunidad upang makatulong sa platapormang pagbubuhay ulit sa Manila Zoo.