TIGNAN: Residente sa Batanes isinasabit ang pambayad ng kuryente sa labas ng bahay

Image via Aleth Mata | Zhander Cayabyab

Maliban sa taglay nitong kagandahan, kilala ang mala-paraisong lugar ng Batanes dahil sa mga residenteng tapat at mapagkakatiwalaan lalo na ang mga Ivatan.

Kaya naman ang mga naninirahan sa nasabing probinsiya, iniiwan ang bayad ng tubig o kuryente sa labas mismo ng kanilang bahay.

Sa ibinahaging larawan ni Aleth Mata, makikita ang perang pambayad na sinabit ni Carmen Castillo, residente ng Brgy. Kayvalungan sa bayan ng Basco, sa kuntador ng kanilang kuryente.


Kuwento ng BATANELCO payment collector sa ABS-CBN, palagi itong ginagawa ng mga Ivatan at walang sinuman ang nagtatangkang nakawin ito.

Ang nasabing larawan ay shinare ng iba’t-ibang indibidwal at Facebook group users at umaasang magagawa nila ito sa kinasasakupang lugar.

Facebook Comments