TIGNAN: Tampok na Love bracelets na gawang Pinoy, international level na!

82
Photo courtesy of CNN Philippines

Tampok ang love bracelets na gawa ni Chrissie Lam, isang Pinoy artisan, na mabibili na sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa kaniyang panayam sa CNN Philippines, nag-umpisa siyang gumawa nito kasama ang mga kababaihan ng Maasai tribe sa Kenya noong 2012.


Masusi ang paggawa ng bracelets na pinaganda at may kasamang salita na “love.”

Nitong nakaraang taon lamang, sinuot ito ni Anne Hathaway, isang sikat na Hollywood actress, sa Glamour Magazine cover story.

Ang proyektong ito ay umabot na sa Africa, South America, at Southeast Asia. Ang Pilipinas naman ang pang-10 na bansa nakarating ito.

Ayon kay Chrissie, ngayon ay nakikipagkoopera siya sa dalawang grupo sa Mindanao kung saan galing ang wood bangles.

Bukod sa bangles, gumagawa rin sila ng bracelets na galing sa perlas sa Palawan.

Dagdag niya, binabase nila ang mga itatampok na bracelets sa kultura, pamana at historya ng bansa.

Panoorin ang kabuuan ng video:

Facebook Comments

From Advertisers