TIGNAN: Visayan Leopard Cats uuwi na sa kanilang natural habitat

Image via Pinoy Gonzales

Uuwi na sa kanilang tunay na tahanan ang mga Visayan Leopard Cats na sina Ponti at Vedra.

Ang mga hayop ay kasama sa mga rare breeds na matatagpuan lamang sa isla ng Panay at Negros.

Sa Facebook post ni Pinoy Gonzales, pinasalamatan nito ang mga doktor na nag-alaga at kumupkop sa Visayan Leopard Cats.


Sanggol pa lamang nang matagpuan sina Ponti at Vedra sa bukid ng mga manggagamot.

Kahapon, inihatid na sila pabalik sa kanilang natural habitat sa Mariit Convention Center, Barangay Jabuyao, Lambunao Iloilo Province.

Sa nasabing pasilidad ng West Visayas State University at DENR, inaalgaan ang iba pang endangered species katulad ng dulungan, tariktik, cloud rat at Panay spotted dear.

Facebook Comments