TIGNAN: ‘Wedding proposal’ sa terminal

Photo courtesy of Mark Canlas

Kinilig ang lahat sa nasaksihang proposal ng isang lalaki sa kanyang kasintahan sa isang terminal sa Makati, Sabado ng gabi.

Sila si Dominic at Zieryl, na unang nagtagpo sa Park Square Terminal at doon nagsimulang maging magkaibigan.

Mahalaga raw ang lugar na ito para sa magsing-irog dahil dito raw sila muling nagkita matapos ang matagal na panahon na nahiwalay sa isa’t isa.


At nito ngang Sabado, matapos ipagdiwang ang kanilang anniversary, dinala ni Dominic si Zieryl sa naturang terminal at doon ito sinorpresa kasama ang kanilang mga kaanak at kaibigan.

Photo courtesy of Mark Canlas
Photo courtesy of Mark Canlas
Photo courtesy of Mark Canlas

Isang makabuluhang lugar para sa dalawa ang Paris Square Makati sapagkat dito raw sila unang nagtagpo, dito rin nagsimula ng panibagong yugto.

Photo courtesy of Mark Canlas

Matapos ang ilang taon ng pagiging magkasintahan, sisimulan na ng dalawa ang kanilang journey to forever.

Facebook Comments