Nagpositibo sa novel coronavirus ang isang tigre sa Bronx Zoo sa New York City.
Kinumpirma ng National Veterinary Services Laboratory na si Nadia, 4-taon-gulang Malayan tiger, ang kauna-unahang tinamaan ng nasabing sakit sa kanilang uri.
Sinasabing nahawaan si Nadia, at anim pang tigre at leon, ng COVID-19 positive pero asymptomatic na zoo keeper.
Nakitaan ang mga hayop ng sintomas tulad ng ubo at kawalan ng gana sa pagkain, noong nakaraang buwan matapos ma-expose sa hindi pinangalanang empleyado.
Kaugnay nito, isinara muna ang Bronx Zoo noong Marso 16.
Inaasahan naman ang paggaling ng mga tigre at leon.
Facebook Comments