TIIS MUNA | Malacañang, pinayuhan ang publiko sa ipapatupad na dagdag pasahe

Manila, Philippines — Kasabay ng napipintong fare hike sa mga pampublikong sasakyan, pinayuhan ngayon ng Malacañang ang publiko na magtiis muna dahil hindi naman daw ito magtatagal.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, gaya ng sinasabi ng mga economic managers ng administrasyon, panandalian lamang ang mga nararanasang impact ng inflation. Halimbaw na lamang aniya sa mga bilihin sa merkado na unti-unti nang bumababa ang presyo.

Ayon pa kay Panelo, naniniwala ang palasyo na babalik rin sa dati ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan sa oras na mag-stabilize ang lahat.


Matatandaang, inaprubahan ng LTFRB ang fare hike sa jeep at bus, kung saan sa unang linggo ng Nobyembre ay mararamdaman na ito. Mula sa nuebe pesos ay magiging sampung piso na ang pasahe sa jeep, habang dagdag piso rin sa pasahe ng provincial at city buses.

Facebook Comments