TIKET-BYAHENG-LANGIT for SALE: Pastor, Arestado

Isang Pastor sa bansang Zimbabwe ang inaresto ng pulisya matapos
itong magbenta ng mga tiket byaheng langit!!!
Kinilala ang Pastor na si Tito Wats.
Ayon pa sa Pastor, nagpakita di-umano si Jesus sa kanya
at binigyan siya ng mga tiket para sa mga tao, lalung-lalo na ang mga makasalanan,
upang sila rin ay makapasok sa langit.
“Wala akong pakialam kung anuman ang sinasabi ng mga tao
o kapulisan tungkol sa akin; inuusig nila ako dahil ginagawa
ko ang gawain ng Diyos,” wika pa ng Pastor.
Buong tapang ring pinagdidiinan ni Wats na nagpakita sa kanya si Jesus
at binigyan siya nga mga tiket na gawa sa purong ginto
upang ibenta sa mga taong gusto ng kaligtasan
Si Pastor Tito Wats ay inaresto kasama ang kanyang maybahay na hindi pinangalanan sa report.
Umalma naman ang libu-libong katao dahil sa isinagawang pag-aresto sa Pastor.
Pinagsisigawan nila sa pulisya na dapat agarang palayain si Pastor Wats
dahil pera naman nila ang ginagamit nila sa pagbili ng mga nasabing tiket-byaheng-langit.
Hindi kapani-paniwala. Ito na yata ang katuparan ng sinasabi sa 2 timothy 3:1…, sabi pa sa report.

local of english version from: zimbabwe-today.com/zimbabwe/pastor-arrested-for-selling-tickets-to-heaven

Facebook Comments