Tiket sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Chinese Taipei sa November, binibenta na

Sports – Nagsimula na kahapon magbenta ng ticket ang management ng Araneta Coliseum para sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Chinese Taipei sa Novemebr 27 (Monday).
Ito ang magiging ikalawang laro ng Gilas matapos ang schedule ng game nito sa Japan sa November 24 kung saan kasama sila sa group b ng FIBA Wolrd Cup Asian qualifier.
Mabibili ang tiket sa halagang p150.00 (general admission) hanggang P1, 550.00 (patron seat).
Umaasa naman ang buong team ng gilas pilipinas na manonood ang mga pinoy fans para suportahan sila sa kanilang kampaniya lalo na’t mahaba-haba din ang nasabing tournament.

Facebook Comments