TIKLO | Mag-asawa, arestado sa Quezon City matapos mahulihan ng iligal na droga

Manila, Philippines – Naaresto na ng pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District at Philippine Drug Enforcement Agency -National Capital Region ang dating drug surrenderee at ang kaniyang asawa matapos masamsaman ng iligal na droga.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Quezon City RTC Branch 88 Judge Rosanna Fe Maglaya, inaresto si Bernhart Gagarin @ Taruk sa Amorsolo St., Barangay Krus na Ligas, sa lungsod Quezon kaninang umaga.

Nakumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang mga plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng humigit kumulang sa 50 gramo na nagkakahalaga ng 250 libong piso, mga drug paraphernalia, 3 bloke ng tuyong dahon ng marijuana na may street value na 75 libong piso,1 kalibre 22 na pistola, mga bala at isang granada.


Kasama ding inaresto ang kanyang asawa na si Cherry Anne Gagarin.

Si Gagarin ay dati nang naaresto ng pulisya noong Disyembre 2017 dahil sa pagtutulak ng illegal drugs pero nakapagpiyansa ito.

Facebook Comments