Manila, Philippines – Natimbog ang supplier ng party drugs na si Bruce Carlo Santos sa isang buy-bust operation ng PDEA Special Enforcement Agency kaninang madaling araw sa Mother Ignacia, Avenue, Quezon City.
Ayon kay PDEA Special Enforcement Agency Director Levi Ortiz, aabot sa P942,000 ang kabuuang halaga ng nakumpiskang 330 tablets ng suspected Ecstacy, 50 capsules ng suspected Ecstacy, 1100 ml ng suspected liquid ecstasy at 300 ml ng Wari active spray.
Ang mga party drugs na inilalagay sa hand towel para singhutin ay may direktang epekto sa puso ng tao.
Nagpositibo rin si Santos sa bawal na gamot at nahaharap ang suspek sa paglabag sa Section 5 and Section 11 ng RA 9165
Facebook Comments