Manila, Philippines – Wala paring kompirmasyon ang Palasyo ng Malacañang patungkol sa balitang ikinalat ni Agriculture Secretary Manny Piñol na pinabubuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority o NFA Council.
Matatandaan na lumabas sa balita na sa Pulong ni Pangulong Duterte kasama ang mga Rice Traders ay pinabuwag umano ni Pangulong Dutere ang NFA Council dahil sa issue ng supply ng bigas sa bansa, sinabi pa ni Piñol na pinalilipat ni Pagulong Duterte ang NFA sa Department of Agriculture.
Sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ay walang itong binanggit na pinabubuwag ng Pangulo ang NFA Council sa naganap na pulong kahapon.
Ayon kay Roque, inihayag lang ni Pangulong Dutere ang intension nito na tuluyang ilipat sa Office of the President ang superbisyon sa NFA mula sa Office of the Secretary to the Cabinet.
Nangako din naman aniya ang mga rice traders na magbebenta ng hindi bababa sa 700 libong sako ng bigas sa NFA para maibenta ng 39 na piso kada kilo.
Pinagaaralan din naman aniya ni Pangulong Duterte ang panukala na icentralize ang importasyon ng bigas sa ilalim ni Agriculture Undersecretary Bernadette Romulo Puyat.