“Status Quo”
Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles hinggil sa operasyon ng short-form video application na TikTok sa Pilipinas.
Bagamat matinding iniimbestigahan ang TikTok sa ibang bansa dahil sa isyu sa seguridad, sinabi ni Nograles na walang nakikitang basehan ang pamahalaan para i-ban ang social media app sa bansa.
Maliban na lamang aniya kung may maipakitang matibay na batayan o ebidensya para ipagbawal ang app.
Aminado si Nograles na gumagamit din siya ng TikTok para magbigay ng suporta sa mga health workers na rumeresponde sa COVID-19 pandemic.
Una nang nanindigan si Presidential Spokesperson Harry Roque na walang nakikitang rason ang gobyerno para ipagbawal ang Chinese social media app sa bansa at patuloy na iginagalang ang freedom of expression.