Tila minadaling paglalabas sa ₱10-B bahagi ng anti-insurgency fund, kinuwestyon sa Senado

Kinukwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tila pagmamadaling mailabas ang ₱10.68 bilyon mula sa ₱19 bilyon na budget ng National Task Force to End Local Communism and Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Kinumpara pa ito ni Drilon sa pondo para sa Marawi rehabilitation na mabagal ang paglabas habang hinahanapan pa rin ng pondo ang ayuda para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Dismayado si Drilon na kahit mas kailangang pondohan ang pagtugon sa pandemya ay mas naging prayoridad pa ang pagpapalabas ng pondo para sa naturang task force.


Giit ni Drilon, ang paglaban sa virus at pagtugon sa epekto ng pandemya tulad ng unemployment at gutom ang dapat maging prayoridad ng pamahalaan.

Dahil dito ay isinulong ni Drilon na mabusisi ng Senado kung paano ginagastos ng NTF-ELCAC ang pondo nito.

Paliwanag ni Drilon, mahalagang malaman, lalo na ng publiko, kung saan ba napunta ang mahigit ₱10 bilyon at anong barangay o siyudad ang nakinabang dito.

Facebook Comments