Tila pag-e-eksperimento ng gobyerno sa pagpapatupad ng lockdown protocols, binanatan ng grupo ng mga employers

Binanatan ng Employer’s Confederation of the Philippines (ECOP) ang tila pag-e-eksperimento ng pamahalaan sa pagtatalaga ng restriksyon sa ilang lugar sa bansa.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis na simula noong inilagay sa Alert Level 4 ang Metro Manila, nasa higit kumulang 100,000 manggagawa pa lamang ang nakakabalik sa kanilang trabaho.

Aniya, maliit ang bilang na ito kumpara sa higit 1 milyong manggagawang wala pa ring hanapbuhay.


Mas lumala rin aniya ang estado ng pamumuhay ng publiko lalo na ang manggagawa ngayong pandemya dahil sa eksperimentong ito.

Dahil dito, muling itinutulak ng ECOP na buksan na lamang ng buo ang ekonomiya sa bansa kasabay ng pagdadagdag ng mas maraming pampublikong mga sasakyan.

Facebook Comments