Si Barangay Ginebra Coach Tim Cone ang magsisilbing head coach ng Gilas Pilipinas sa Asian Games ngayong Setyembre.
Ito ang inanunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at PBA kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Chot Reyes matapos ang huling laban ng Gilas sa FIBA World Cup 2023.
Si Cone ay 25 time PBA champion bilang coach at hindi na rin bago sa kaniya na pamunuan ang Gilas team.
Dati na niyang pinamunuan ang Gilas kung saan nakakuha tayo ng gold medal sa 2019 Southeast Asian Games.
Nagsilbi na rin siya bilang head coach para sa Philippine national team noong 1998 at nag-uwi tayo ng bronze medal sa Asian Games na ginanap sa Thailand.
Bumaba sa pwesto si Reyes, kasunod na rin ng natanggap na kabi-kabilang batikos mula sa Pinoy basketball fans.
Facebook Comments