Si Tim Cone ang magiging official head coach ng Gilas Pilipinas para sa gaganaping Southeast Asian (SEA) Games sa Nobyembre.
Kinumpirma ito mismo ni Al Panlilio, presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), nitong Lunes ng hapon.
Magugunitang nagbitiw sa puwesto si Yeng Guiao dahil sa naging perfomance nila sa 2019 FIBA World Cup.
“I’m very happy to announce that coach Tim has officially accepted the role as head coach for Gilas Pilipinas men in the upcoming SEA Games,” pahayag ni Panlilio.
“The resolution of our head coach situation should signify the start of our SEA Games preparations because the other countries like Indonesia are already putting in the work,” dagdag pa niya.
Paglilinaw ng pinuno ng SBP, sasailalim pa sa review and assessment si Cone bilang coach sa iba pang malalaking torneyo kagaya ng Asian Games at FIBA.
Kamakailan, sinabi ng Barangay Ginebra coach na hindi problema sa kaniya ang panandaliang pamumuno sa Gilas Pilipinas.
Ayon sa winningest mentor ng PBA, naiintindihan niya kung “stop-gap position” lang ang inalok ng organisasyon.
“It’s just that the SEA Games is coming up quick, and they want someone to step in and do it. I can very easily be a one-and-done guy, I just go and coach the SEA Games and that’s it,” wika ni Cone.
Isa sa maituturing na pinakamagaling na coach si Cone dahil sa dami ng naipanalong kampyeonato sa PBA.