Tim Yap, nagbakasyon sa world’s most expensive resort

Image via Instagram/officialtimyap

NAGBAKASYON ang TV host and eventologist na si Tim Yap sa tinaguriang “world’s most expensive resort” noong weekend. Halos 5.2 milyon piso ang bayad kada araw sa Banwa Island Resort na matatagpuan sa Roxas Palawan.

Ayon kay Tim, masaya siya na maging kauna-unahang bisita at naging exclusive sa kanila ang lugar. Itinuturing din niya na one of a kind ang resort dahil sa nakamamanghang tanawin at relaxing na lugar.

 

View this post on Instagram

 

Happy to be one of the first guests of this most extra island resort. The entire place, all to ourselves #exclusivelyyours #banwa

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap) on


Inilarawan ni Tim Yap sa kanyang Instagram post ang ganda at linis ng isang swimming pool at puwede mo siyang inumin.

 

View this post on Instagram

 

Banwa blues: Pool water so clean you can actually drink it 🌊

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap) on

Ibinahagi din niya ang villa kung saan sila nanatili ng partner na si Javi Martinez. Mapapansin ang mamahaling muwebles at malaking living room na kitang-kita ang karagatan. Mayroon infinity pool, jacuzzi deck, floor-to-ceiling windows, walk-in closet, at sariling butler ang kanilang beachfront villas. Galing naman sa organic farm ng resort ang mga pagkain na inihahanda.

Para kay Tim, nakamit niya ang inaasam na me time.

 

 

 

 

 

 

 

 

Facebook Comments