Kapwa pasok sa katatapos lang na weigh-in sina WBA Welterweight Champion Sen. Manny Pacquiao at ang American challenger nitong si Adrien Broner, na ginanap sa MGM Garden Areana sa Las Vegas.
Si Pacquiao ay may timbang na 146 lbs habang nasa 146.5 naman si Broner.
Nakatakdang idepensa ni Pacquaio ang kanyang championship belt bukas sa kanilang laban na gaganapin rin sa kaparehong venue.
Sa ginanap na weigh-in, masaya at maaliwalas na sumalang ang Pambansang Kamao, na magiliw namang sinalubong ng mga fans.
Habang si Broner naman ay sinalubong ng pangbo – boo ng ibang mga dumalo sa official weign in.
Sa stared down naman sa pagitan ng dalawa matapos ang pagkuha ng timbang, intense na hinarap ni Broner si Pacman, habang kinukuhanan sila ng mga larawan, na siya namang sinuklian ng ngiti ni Pacquiao.