Aprubado na sa house committee on trade and industry ang panukalang magkaroon ng “timbangan ng bayan center” sa lahat ng palengke sa buong bansa.
Ayon kay Valenzuela Representative at House Committee on Trade and Industry Chairman Wes Gatchalian – ang “timbangan ng bayan center” ay pangangasiwaan ng mga local treasurer.
Ito ay inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) para walang maganap na lokohan sa pagtitimbang ng mga produkto sa palengke.
kung magkakaroon kasi niya nito, machecheck na ng mga bumibili ang kanilang mga pinamili at may pagkakataon pa silang magreklamo kung mali ang timbang.
Facebook Comments