Timbangan ng Bayan Bill, lagda na lamang ng pangulo ang hinihintay

Iaakyat na sa tanggapan ng pangulo para malagdaan at maging ganap na batas ang Timbangan ng Bayan Bill.

Ito’y matapos ratipikahan sa Kamara ang panukala na layong magtayo ng Timbangan ng Bayan Centers sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng panukala ay magkakaroon na ng isang tool ang consumers para makumpirma ang kawastuhan ng dami at timbang ng mga biniling produkto.


Ang timbangan ng bayan ay ilalagay sa mga public at private wet markets, dry markets, tiangges, grocery stores at supermarkets.

Umaasa ang mga kongresista na hindi na maloloko ang mga consumers dahil may pagkakataon na sila para masuri agad kung tama ang timbang ng mga pinamili.

Ang sinumang mga vendors na mapapatunayang nagbenta ng mga produkto na kulang sa timbang gayundin ang sinumang mag-vandalize, mag-tamper o sisira sa timbangan ng bayan ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P50,000 at hindi naman tataas ng P300,000 at pagkakabilanggo ng isa hanggang limang taon.

Facebook Comments