Timbangan ng Bayan Centers, Isasalang na sa Plenaryo ng Kamara

Nakalusot na sa House Committee on Trade and Industry ang panukalang “Timbangan ng Bayan Centers”.

Sa ilalim ng inaprubahang consolidated bills, binibigyang mandato ng panukala ang lahat ng local government units na maglagay ng “Timbangan ng Bayan” sa lahat ng pamilihan, public man o private, malaki man o maliit na palengke.

Sa ganitong paraan ay magiging accessible sa publiko ang timbangan upang malaman kung tama ba ang timbang ng biniling produkto sa palengke.


Ang Local Treasurer naman ang titiyak na palaging nasa tama ang scale ng timbangan at hindi madadaya.

 

Paparusahan naman ang mga vendors na mapapatunayang nagbenta ng produkto na kulang sa timbang gayundin ang sinumang mag-vandalize, mag-tamper o sisira sa timbangan ng bayan.

Itataas din ang penalty sa ilalim ng Consumer Act na hindi bababa ng P50,000 ngunit hindi naman tataas ng P300,000 at pagkakabilanggo ng isa hanggang limang taon.

Facebook Comments