TIMBOG | 2, arestado sa ilegal na droga sa Maynila

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng Manila Police District Ermita Police Station Police Station-5 ang dalawa matapos na mahulihan ng hinihinalang shabu sa Muelle Del Rio, Liwasang Bonifacio, Ermita, Manila.

Ayon kina PO1 Vi Jay S. Obarra at PO1 Richard R. Borres ng MPD-Police Station 5, Lawton PCP, nagsagawa sila ng police visibility/ motorized patrol sa kahabaan ng Muelle Del Rio Street Liwasang ‘ Bonifacio Ermita, Manila kung saan naaresto ang mga suspek na sina Bryan Naig 38-anyos residente ng Block 15E Dubai Baseco Compound Port Area Manila at Ricky Tablada 49-anyos at residente ng Barangay 656 Intramuros Manila.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang plastic sachets na may lamang hinihinalaang shabu.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa ng MPD laban sa mga suspek.

Facebook Comments