TIMBOG | 2 brgy officials, huli dahil sa pag-iingat ng ilegal na baril

Pasig City – Arestado ang dalawang barangay officials ng Caniogan, Pasig City dahil sa pag-iingat ng ilegal na baril.

Inaresto sina Julius Panis at Paul Panis sa bisa ng search warrant ng CIDG.

Nakakumpiska sa mga ito ang dalawang kalibre 38 baril, rifle propelled grenade, kalibre 22 na baril, isang hand grenade at mga bala


Nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession of firearms and explosives ang mga inarestong barangay officials.

Facebook Comments