TIMBOG | 2 Koreanong may kasong fraud at tax evasion, arestado ng BI

Dalawa pang Korean nationals ang inilagay ng Bureau of Immigration (BI) sa kanilang blacklist.

Sina Nam Sangmin at Ha Que Back ay matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad sa South Korea dahil sa magkakahiwalay na kaso.

Si Nam ay wanted sa panloloko sa kanyang mga kababayan na umaabot sa 26 million Won o US $23,000.


Si Ha naman ay nahaharap sa paglabag sa Korea’s Tax Evaders Act dahil sa panloloko sa buwis na umaabot sa 4.4 billion Won o US $4million.

Ang dalawa ay nakakulong na sa BI Detention Center in Camp Bagong Diwa, Taguig habang pending ang deportation proceedings laban sa kanila.

Facebook Comments