TIMBOG | 2 lalaki, arestado sa Taguig dahil sa iligal na droga

Taguig – Bitbit ang Search Warrant na-aresto na ng Taguig PCP 6 ang dalawang lalaki na kilalang drug personality sa Aquino Compound,Faculty, Brgy.,Sta Ana,Taguig City.

Sa pangunguna ni PCI BRYAN TORRES, naaresto ang mga suspect na sina Teofilo Aquino alyas Tadjo at Fred Pagkalinawan alyas PJ.

Narecover mula sa mga ito ang 7 plastic sachet ng hinihilang shabu, 3 glass tooter, isang aluminum foil, gunting, replika ng kalibre 45 baril, at replika ng magazine.


Nananatili ngayon sa kostodiya ng Taguig police ang mga suspect at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments