TIMBOG | 2 lalaking nagnakaw sa kaha ng isang jeepney driver, naaresto na

Manila, Philippines – Naaresto na rin ang isa pa sa dalawang palaboy na nasa viral video na nagnakaw sa kaha ng driver sa Taft Avenue, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Ruel Martinez, 20-anyos na umaming laging lango sa solvent.

Habang una nang nahuli ang 14-anyos na isa pang suspek na nasa pangangalaga na ng DSWD-Manila office.


Ayon kay Martinez, kasa-kasama niya ang menor de edad sa video sa pagnanakaw para matustusan ang kanilang bisyo.

Maliban sa kasong pagnanakaw, nahaharap rin si Martinez sa paglabag sa city ordinance dahil wala itong damit na pang-itaas nang mahuli.

Facebook Comments