TIMBOG | 2 sangkot sa mga nakawan sa Maynila, arestado

18

Kalaboso ang dalawang lalaki na dawit sa mga insidente ng panghahablot ng cellphone sa Herbosa Street sa Maynila.

Unang naaresto mga tauhan ng Alvarez Police Community Precinct (PCP) ng Sta. Cruz, Maynila ang 18-anyos na suspek na si alyas “Boy.”

Una nang nakunan sa CCTV sina Boy at kasama nito na sakay ng motorsiklo na nang hablot ng cellphone ng isang babae na nagte-text habang naglalakad.

Matapos madala sa presinto si Boy, sumuko naman ang isa pang suspek na si alyas “Kiko” kasama ang ilang barangay official.

Giit ni Kiko, si Boy ang utak ng krimen at sinama lang siya nito.

Depensa naman ni Boy, kailangan niya ng pera dahil buntis ang girlfriend nito.

Facebook Comments