TIMBOG | 2 suspek sa rent sangla at pasalo modus operandi ng mga sasakyan, arestado

Manila, Philippines – Naaresto ng mga tauhan ng PNP highway Patrol Group sa kanilang isinagawang entrapment operation ang suspek na sangkot sa rent sanla modus operandi ng mga sasakyan sa Sampaloc Manila at Pampanga.

Kinilala itong sina Joven Aycardo 37 anyos residente ng Pulilan Bulacan at Ryan Del Rosario 36 anyos residente ng Mexico Pampanga.

Sa ulat ni PNP HPG Director Police Chief Supt Roberto Fajardo alas-9:30 ng gabi kagabi ng maaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest dahil sa kasong Estafa.


Umabot aniya sa 6 na mga complainants ang nagreklamo laban kay Aycardo.

Habang Arestado rin ang suspek sa pasalo modus operandi na kinilalang si Ryan Del Rosario 36 anyos residente ng San Jose Minulif Mexico Pampanga dahil rin sa kasong estafa.

Limang indibidwal ang nagreklamo laban kay Rosario.

Ang dalawang suspek ay kapwa nakakulong ngayon sa detention facility ng PNP HPG sa Camp Crame.

Nanawagan naman si Fajardo sa mga nabiktima ng dalawang suspek na lumabas ang magreklamo upang mapabigat ang kaso laban sa mga ito.

Facebook Comments