TIMBOG | 2 tauhan ng MTPB, arestado sa pangingikil

Manila, Philippines – Arestado sa ikinasang entrapment operation ang dalawang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB matapos ireklamo ng pangongotong sa mga truck driver sa Maynila.

Ayon kay Mark Urieta, internal affairs division ng MTPB, hinihingan ng mga suspek ng P3,000 hanggang P5,000 ang mga truck driver para hindi ma-impound ang kanilang sasakyan.

Depensa ng mga suspek, kusa silang binibigyan ng kanilang mga hinuhuling driver.


Sa tala ng MTPB, aabot na sa 900 na kanilang mga tauhan ang nasibak na sa pwesto na resulta ng kanilang internal cleansing.

Sa nasabing bilang 52 na rito ang kinasuhan ng robbery extortion at usurpation of authority.

Facebook Comments