TIMBOG | 3 kabilang ang 2 babae, arestado sa buy-bust operation sa QC

Quezon City – Timbog ang tatlong drug pusher suspek kasunod ng ikinasang operation ng QCPD Station 7 sa Barangay San Martin de Porres, Cubao, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnold Tabelioma, Patrixia Marie Gabriel at Christine Abuda.

Ayon sa QCPD Station 7, kasama nila ang PDEA ng magbenta ng shabu ang mga suspek sa otoridad.


Nakumpiska sa mga ito ang P500.00 na buy-bust money, 15 pekete ng shabu at isang cellphone na gingagamit nila sa transaksiyon.

Facebook Comments