Dahil sa iligal na droga inaresto ng QCPD Station 10 ang 4 na construction worker ng footbridge sa EDSA.
Ito ang tulay na naging controversial dahil sa kakaibang desensyo na tinaguriang ‘stairway to heaven’ dahil sa sobrang taas nito.
Ayon kay Police Inspector Gina Abay nakatanggap sila ng impormasyon na may bentahan ng iligal ng na droga sa nabanggit na lugar.
Sa ilalim ng footbridges may isang barracks at doon inabutang gumagamit ng shabu sina Joseph Baldia 27-anyos, Lolito Lacang 38-anyos at Jonard Jagon 23-anyos.
Doon din nagbenta ng shabu ang isa pang construction worker na si Jan Jan Rasonable 26-anyos.
Paliwanag ng mga suspek, gumagamit sila ng iligal na droga para pangtanggal antok lalo at madaling araw sila nagsisimula magtrabaho.
Nakumpiska sa mga suspek ang 4 na pakete ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia.