Manila, Philippines – Arestado ang limang lalaki matapos mahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga sa Barangay Pinyahan, Quezon City.
Nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng QCPD station 10 nang maaktuhan nila ang grupo na mayroong drug session sa isang madilim na kubol.
Bagamat naaresto ang lima, tatlong kasamahan nito ang nakatakas.
Narekober ang limang bukas na sachet na may bakas pa ng hinihinalang shabu.
Facebook Comments