TIMBOG | 5 pasaherong naharang sa NAIA dahil sa pagdadala ng milyun-milyong pera, kakasuhan na

Manila, Philippines – Kakasuhan na ngayong araw sa Pasay City Prosecutors Office ang limang pasaherong naharang noong Sabado sa NAIA dahil sa tangkang paglulusot ng P2.4 million cash.

Pasakay na sana ng eroplano papuntang Dubai sina Ronaldo Francisco, Charles Nierves, John Boy Gomez, Steven Sevilla at Generando Tolentino nang ma-detect ang milyun-milyong pera sa pinakahuling “security screening”.

Isinoli sa kada isa ang P50,000 pero ang natitirang halaga ay kinumpiska ng BOC.


Sa ilalim kasi ng batas, kapag mahigit pa sa P50,000 ang halagang ilalabas sa bansa ng bawat pasahero, dapat muna itong ideklara sa customs o Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Katwiran naman ng lima, gagamitin nila sa kanilang bakasyon ang pera at hindi nila alam na bawal pa lang magdala ng malaking halaga ng pera sa paliparan.

Kasong paglabag sa Customs Modernization Tariff Act at sa BSP circular no.922 o cross border transfer of local and foreign currency ang kakaharapin ng lima.
<#m_4157315226588795652_m_2574172513584874086_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments