TIMBOG | 5 pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga, arestado sa Makati City

Makati – Arestado ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Southern Police District ang limang hinihinalaang drug pusher matapos na magsagawa ng buy operation sa 184 Lot 12 Jasmine st. Brgy. Pembo Makati City.

Ayon kay P/Sr. Inspector Mark Funelas naaresto ang 5 personalidad na sina Lester Kevin Lazarito 27 anyos, Matt Meneses 37 anyos, Louie meneses ,37 anyos Billy Adlawan 33 anyos old, at Ron Jabatan 27 anyos residente ng ,Blk.184 lot 12 Jasmine Street .Brgy.Pembo Makati City matapos magsagawa ng buy bust operation sa Brgy. Pembo Makati City.

Narekober sa mga suspek ang 5 pirasong transparent sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu,500 pesos bill bilang buy-bust money, scissor, weighing scale at sling bag.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 200w ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments