TIMBOG | 6 huli dahil sa bawal na gamot sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang 4 na babae at 2 lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation sa Tondo lungsod ng Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina barangay tanod Annie Castro 50-anyos, Marie Oliveros 25-anyos, isang sale lady, Jose Sandionicio 28-anyos, Sarah Santiago 24-anyos, Jayson Ochoa 25-anyos at Aldrin Dayao.

Ayon sa MPD Station 7 nakabili sila ng 500 na halaga ng shabu kay Jayson.


Matapos nito nagpunta sila sa Sampaguita Street Barangay 212 Tondo Maynila at inabutan ang iba pang suspek na gumagamit ng bawal na gamut.

Nakuha ang mga drug paraphernalia, 8 pekete ng suspected shabu at 500 pesos na mark money.

Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kasong isasampa laban sa mga arestadong suspek.

Facebook Comments