TIMBOG | 8 Chinese nationals na ilegal na nagnenegosyo sa Divisoria, inaresto

Manila, Philippines – Hinuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang walong Chinese nationals na iligal na nagtitinda sa Divisoria, Maynila.

Kinilala ni BI acting Intelligence Chief Fortunato Manahon Jr., ang mga naarestong dayuhan na sina Cai Zhongyong, Wang Liyan, Cai Yahui, Cai Shaorong, Shi Qingliang, Cai Shunli, Cai Jianting at Lin Jiaxian.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ipinagbabawal sa ilalim ng Immigration Act na magtrabaho sa bansa ang sinumang dayuhan nang walang work permit o visa.


Aniya, ilan pa sa mga dayuhan ay nagtangkang suhulan ang mga operatiba ng BI nang sila ay arestuhin.

Nasa BI legal division na ang kaso ng walong dayuhan para sa deportation proceedings ng mga ito.

Facebook Comments