TIMBOG | Anak ng isang brgy kagawad, huli sa iligal na droga sa QC

Quezon City – Timbog ang 22-anyos na lalaki makaraang magbenta ng iligal na droga sa pulis na poseur buyer sa Barangay Pinyahan, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Zachary Fajardo, walang trabaho at anak ng isang barangay kagawad.

Ayon kay Police Superintendent Louise Benjie Tremor, hepe ng QCPD-Station 10, nakipagkita ang suspek sa sari-sari store at matapos matanggap ang mark money na P1,000 ay dito na siya inaresto ng suspek.


Nakumpiska sa suspek ang nasa anim na plastic sachet ng marijuana at isang cellphone na gingamit niya sa transaksiyon.

Facebook Comments