TIMBOG | Apat na drug suspect, arestado sa buy-bust operation sa QC

Manila, Philippines – Arestado ang apat na drug personalities matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay Payatas, Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina Brenmar Banig, na target ng operasyon at mga parokyano nito na sina Florencio Asadon, Armando Tañola at Edwin Valerio.

Nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Station-6 sa Lower Jasmin Street kung saan nakabili ng P200.00 na halaga ng shabu ang isang poseur buyer kay Banig.


Nakuha mula sa suspek ang 6 plastic sachet ng shabu at ang ginamit na buy-bust money.

Aminado naman ang suspek na nagbebenta siya ng shabu dahil sa malaki daw ang kita dito.

Facebook Comments